top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Para labanan ang nakababahalang suicide bombing, seguridad dapat paigtingin!

Ryan B. Sison
Jul 14, 2019
1 min read

KASUNOD ng nangyaring sui­­cide bombing incident sa kampo ng militar sa Sulu kung saan walo ang namatay kabilang ang mga suicide bomber at tatlong sundalo na iki­nasugat naman ng 12 sibilyan ay naghigpit na ngayon ang Philippine National Police (PNP) para sa kalig­tasan ng nakararami, partiku­lar sa SOCCSKSARGEN re­gion kung saan ang kapulisan doon ay magba­ban­tay nang 24-oras sa kani-kanilang areas of responsibility.

Gayunman, nagsasagawa na rin ng highway checkpoint, pagpapatrulya at police visibility sa mga matataong lugar ang pulisya para sa kapakanan ng taumbayan.

Samantala, hindi porke guma­gawa ng paraan ang mga kinauu­ku­lan ay tayo naman ang magsa­sa­wa­lambahala, kaya ang pana­wa­gan natin para sa la­hat, mainam na tulu­ngan natin sila kaya dapat tayong mag-ingat at ma­ging alerto laban sa masa­samang-tao.

Iwasan muna nating pumunta sa mga lugar na matatao, gayundin, ang mga pinaghihinalaang magiging target sa susunod na suicide bom­bing.

Sa totoo lang, nakatatakot ang pa­nahon ngayon dahil hindi natin masa­sabi kung saan at kailan may mangya­yaring insidente, kaya bago pa tayo ma­­ging biktima, makabubuti kung sobrang pag-iingat ang ating gaga­win.

‘Ika nga, mas okay nang maging handa kaysa buhay natin ang ma­wala.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page