top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mister problemado sa pera | MISIS, GINAGAMIT NI MISTER SA CYBERSEX

Mylene Alfonso
Jul 14, 2019
1 min read

ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Inveatigation (NBI) ang Sri Lankan national maka­ra­ang ireklamo ng kan­yang Pinay na misis na ginawa umano siyang ‘cybersex slave’ sa loob ng pitong bu­wan sa San Jose del Monte, Bulacan.

Hindi na umano natiis ng ginang na hindi binanggit ang pangalan, ang ginagawa ng dayuhang mister na ma­ging ang kanyang anak na babae sa unang karelasyon ay sinimulan na rin nitong molestiyahin.

Dahil dito, sinalakay ng mga ahente ng NBI-Interpol ang tinutuluyan nilang ba­hay nang makapagreklamo ang ginang sa NBI, kama­kalawa ng gabi.

Hindi naman binanggit ang pangalan ng dayuhan upang proteksiyunan ang mag-ina.

Batay sa imbestigasyon, inaabuso ng dayuhan ang Fi­lipina at ibinebenta sa dayu­han sa online.

Inamin naman ng dayu­han ang pang-aabuso dahil wala siyang pera.

Ayon sa ginang, ipinadala na rin ng suspek sa kanilang mga kamag-anak ang mga kopya ng sex video.

Nang tanungin ni Spe­cial Agent Ronald Aguto, kung bakit ginawa ito ng dayuhan sa kanyang asawa at step­daughter, sinabi nito na, ‘It’s because we don’t have any option, I don’t have money’.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9208 or Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, RA 9262 o Anti-Violence Against Wo­men and Children Act of 2004 at Cybercrime Pre­vention Act of 2012 ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page