LALAKI NAG-AMOK, 3 NADALE
- Pabs Hernandez III
- Jul 14, 2019
- 1 min read
CAMARINES NORTE—Tatlong lalaki ang sugatan nang tagain sila ng isang laborer na nag-amok, kamakalawa sa Bgy. Magang, Daet sa lalawigang ito.
Nakilala ang mga biktimang nagtamo ng mga tama ng taga sa katawan sina Dizon Abonio, Mark Anthony Villaflores at Jesi Miyata, pawang nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nag-iinuman ang tatlong biktima nang biglang sumulpot ang suspek at agad silang pinagtataga sa hindi pa malamang dahilan.
Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan, samantalang, nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.





Comments