Halos hindi natutulog | ADIK SA VIDEO GAMES, PATAY

PINANINIWALAANG sa labis na paggamit ng computer ang sinasabing dahilan ng pagkasawi ng 19-anyos na lalaki sa Bgy. Talamban, Cebu City.
Wala nang buhay nang madiskubre sa kanyang kuwarto ang biktimang si ‘Dan’, naninirahan sa nabanggit na lugar.
Nabatid sa report ng pulisya na batay na rin sa pahayag ng kaanak, mahilig umanong maglaro sa computer ang biktima at kinapupuyatan umano nito at gigising naman ng maaga para mamalengke.
Pagkatapos ng mga gawain sa bahay ay pagko-computer ang sinasabing pinagkakaabalahan nito.
Hinihinalang binangungot umano ang binatilyo sa labis na puyat at pagod.
Patuloy na ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.





Comments