GF, kaya matagal nang walang show… KINUMPIRMA NI LUIS: JESSY, BINITAWAN NA NG DOS
- BULGAR

- Jul 14, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

BEFORE ng taping ng Minute To Win It, nainterbyu ang host na si Luis Manano regarding his show at sa kanyang love life.
Ani Luis, okay naman ang show at marami silang napapasayang tao lalo na ang kasama niyang dalawang komedyante na sina Negi at Long Mejia.
Tungkol naman sa kung lilipat ng ibang network ang girlfriend niyang si Jessy Mendiola, ayon sa mahusay na TV host, wala siyang masasabi dahil hindi tamang sa kanya manggaling ang sagot.
Ang alam lang daw niya ay hindi na under ng Star Magic ang aktres. Iba na raw ang nagha-handle ng career nito.
Kaya pala matagal nang walang show sa Kapamilya Network si Jessy.
Eh, bakit kaya hindi na lang sila magpakasal?





Comments