EROPLANO NAKARANAS NG TURBULENCE, 35 NADALE
TAKOT ang bumalot sa mga pasahero ng Air Canada flight matapos makaranas ng turbulence habang patungo sa Sydney.
Ayon sa tagapagsalita ng Air Canada na si Peter Fitzpatrick, 35 pasahero ang nasugatan sa insidente.
Nabatid na papunta ang Flight AC33 sa Sydney, Australia ngunit, nag-divert ito sa Daniel K International Airport sa Honolulu, Hawaii.
Sa inilabas na pahayag ni Fitzpatrick, dalawang oras na umanong binabagtas ng Boeing 777-200 plane ang himpapawid nang biglang nakaranas ng matinding air turbulence.
Batay sa datos, mayroong 269 pasahero ang naturang eroplano.





Comments