Congressman na nanapak ng waiter, sibakin na!

PARTYLIST CONGRESSMAN NA NANUNTOK NG CREW, DAPAT SIBAKIN — Dapat kumilos na ang ethics committee ng Kongreso para tanggalin sa pagka-kongresista si Ang Probinsiyano Partylist Rep. Alfred delos Santos kaugnay sa ginawa nitong panununtok kay Christian Kent Alejo, waiter sa restoran sa Legazpi, Albay.
Ibinoto ng publiko ang ‘Ang Probinsiyano’ Partylist sa paniwalang gagawa ito ng mga batas para sa kapakanan ng mga probinsiyano, pero imbes na tulong, nanuntok ito ng probinsiyanong waiter, pwe!
◘◘◘
KUNG WALA NG PARTYLIST, WALANG PARTYLIST REP. NA NANUNUNTOK — Kung tinupad lang ni P-Duterte ang promise niya noon na ibabasura ang mga partylist sa eleksiyon, sana, hindi nakapanakit ng tao ang representante ng ‘Ang Probinsiyano’ Partylist.
Ang masaklap, imbes na mawala ang partylist, lalo pa itong dumami sa ilalim ng Duterte administration, buwisit!
◘◘◘
CHINA, TAKOT SA TAIWAN, DEDMA SA PILIPINAS — Nanawagan ang China sa U.S. na huwag bentahan ng mga armas ang Taiwan.
Marahil, alam ng China na papalag sa kanila ang Taiwan kapag pumasok sila sa teritoryo nito.
Pero, kung sa Pilipinas magbebenta ng armas ang U.S., dedma lang ang China, boom!
◘◘◘
MAKASAMA KAYA SA SISIBAKIN ANG MGA BIGTIME NA BUWAYA SA BUREAU OF CUSTOMS? — Bukas ay sisibakin na raw ni P-Duterte ang 64 empleyado ng Bureau of Customs na sangkot daw sa mga katiwalian sa Adwana.
Ang tanong, makasama kaya sa mga sisibakin ang mga bigtime na “buwaya” sa BOC? Abangan!





Comments