top of page
Pokwang.jpg

2 nadale sa gang war

Maeng Santos
Jul 14, 2019
1 min read

DALAWA ang sugatan, kabilang ang 15-anyos na babaeng estudyante matapos tamaan ng bala sa naganap na sagupaan ng dalawang magkalabang grupo sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si Cristina Pauline, ng Bgy. 147 at Arthur Atencio, 18, ng Narra Alley, kapwa ng Bagong Barrio.

Pinaghahanap naman ang suspek na kinilala lang sa pangalang Maravilla, 19, ng Bgy. 150.

Alas-10:20 ng gabi nang magkasagupaan ang dalawang magkalabang grupo sa kahabaan ng Milagrosa St., Bgy. 149, Bagong Barrio.

Sa gitna ng sagupaan, nagpaputok ng baril si Maravilla at tinamaan sa katawan ang mga biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page