2 estudyante timbog sa P1 milyong droga

NASA 5.5 kilos ng iligal na marijuana ang nasabat sa dalawang estudyante sa ikinasang drug-bust operation sa Balagtas, Bulacan.
Kinilala ang sinasabing mga supplier ng marijuana na sina Paolo Licud, 21, at Mark John Paul Bateni, 18, kapwa nasa unified watchlist.
Ayon kay Bulacan Provincial Police Office Director Lt. Col. Chito Bersaluna, agad dinakma ng mga pulis ang dalawang estudyante ilang saglit na maibigay ng mga ito sa poseur-buyer ang sachet ng marijuana.
Isinagawa ang operasyon pasado alas-12:00 ng hatinggabi kahapon sa Bgy. San Juan.
Nakuha pa mula sa dalawa ang anim na bloke ng marijuana na tumitimbang ng 5.5 kilos na nagkakahalagang P1.1 milyon.





Comments