Walang talo sa clearing operations na sinabayan ng pagtulong sa vendors


Sa patuloy na clearing operations sa Metro Manila, unti-unti nang lumilinis ang mga kalsada.
Malinis na mula sa obstructions, illegal vendors at illegally parked vehicles ang harapan ng Balintawak Market kaya maraming motorista at mamamayan ang natuwa dahil malaya na silang nakadaraan pero, dumaraing ang illegal vendors na napaalis.
Dahil dito, tiniyak na bibigyan ng maayos na puwesto sa loob ng palengke ang mga vendor na napaalis para makapagsimula ng bagong hanapbuhay.
Gayunman, nilinaw din na sasagutin ng lokal na pamahalaan ang renta ng mga vendor sa mga unang buwan.
Bukod pa rito, aalukin ng livelihood program ang mga ito para magkaroon ng iba pang pagkakakitaan.
Win-win ito para sa mga motorista at mamamayan dahil malaya na nilang magagamit ang mga kalsada, gayundin para sa mga nagtitinda para muling magsimula.
Bagama’t, gumawa ng hakbang ang gobyerno, paalala sa bawat isa, pairalin ang disiplina upang makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa lungsod.
Hiling ng marami, sana ay magtuluy-tuloy ito upang mapanatili ang malinis at maayos na mga kalsada sa Metro Manila.





Comments