top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Noong nangangampanya, napakabait; nang manalo, nananapak pala | Tunay na public servant, dapat mauna

  • Ryan B. Sison
  • Jul 13, 2019
  • 1 min read

SARIWA pa ang isyu hinggil sa pana­napak ng baguhang congressman ng first nominee partylist sa loob ng restoran sa Legazpi, Albay na nakunan sa CCTV.

Kung saan makikitang nagkaroon ng masinsinang usapan ang crew at con­gressman, pagkatapos ay bigla na lang sinapak sa ulo ang crew dahilan para matanggal ang kanyang sumbrero.

Gayunman, ayon sa congressman ay nagkainitan umano sila ng crew dahil bukod sa hindi maayos ang pagkakala­gay nito ng placemat ay may sinabi raw ito kung saan hindi na niya nakontrol ang kanyang temper.

Samantala, humingi ng sorry ang congressman at personal na pinuntahan ang biktima sa kanyang bahay ngunit, sinabi ng biktima na wala umanong ka­totohanan ang sinabing dahilan ng congressman kasi ang totoong dahilan kaya nito sinapak ang biktima ay dahil lang umano sa kanyang masamang tingin dito.

Nakadidismaya ang ganitong klase ng public servant dahil imbes na tumu­long at makaunawa sa mamamayan, sila pa ang nagmamataas, samantalang, noong nangangampanya ay napakabait at kaliwa’t kanan ang pangangako sa mga botante.

Gayundin, kung tatanggapin ang pag­kakamali, dapat sincere at hindi lang para maging mabango ulit ang pangalan sa publiko at huwag pairalin ang init ng ulo base la­mang sa inakala ninyo.

Tandaan, marami ang namamatay sa maling akala kaya dapat pang-unawa ang pairalin sa lahat ng pagkakataon!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page