top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Majority ng Pinoy, palaban para sa WPS — SWS

  • V. Reyes
  • Jul 13, 2019
  • 1 min read

NAKARARAMING Pilipino ang nais umanong maigiit ng gobyerno ang karapatan ng Pilipinas sa pinag-aagawang mga isla sa West Philippine Sea.

Batay sa ipinalabas sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS), nasa 87% ng mga Pilipino ang naniniwalang kailangang igiit ng bansa ang karapatan sa mga isla alinsunod sa itinatakdang desisyon ng Permanent Court of Arbitration noong 2016.

Aabot sa 1,200 respondents sa buong bansa ang tinanong mula noong Hunyo 22 hanggang 26 sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Limang porsiyento ng mga respondent ang tutol at siyam na porsiyento ang hindi makapagdesisyon.

Sa nasabi ring survey, binanggit na 87% ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat arestuhin ang mga mangingisdang Chinese na sumisira sa marine resources sa West Philippine Sea.

Nasa 71 porsiyento naman ng mga Pinoy ang naniniwalang seryoso ang gobyerno sa pagprotekta sa mga lokal na mangingisda laban sa mga dayuhang sasakyang-pandagat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page