top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

GF na Pinay nakatampuhan | CHINESE, TUMALON MULA 4TH FLR. NG BUILDING

Gina Pleñago
Jul 13, 2019
1 min read

ISANG Chinese national ang tumalon mula sa ikaapat na palapag ng gusali matapos umanong makatampuhan ang kanyang nobyang Pinay, kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.

Ginagamot sa ospital si alyas ‘Yan’, 20, binata, empleyado ng isang online gaming customer service, tubong Jiling Province, China, pansamantalang naninirahan sa Baclaran. Ayon kay Parañaque City Police Chief P/Colonel Rogelio Rosales, Jr., alas-5:10 ng madaling-araw nang tumalon ang biktima mula sa ikaapat na palapag ng isang building sa Bgy. Tambo.

Masuwerte namang nakaligtas sa bingit ng kamatayan ang biktima dahil bumagsak ito sa bubong na yero ng isang bahay sa tabi ng nasabing gusali. Agad dinala sa ospital ang biktima na may pinsala sa cervical spine at bali sa magkabilang binti.

Bago maganap ang insidente, nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at kanyang nobyang Pinay na nauwi sa tampuhan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page