top of page
Pokwang.jpg

Estudyante, 1 pa huli sa droga

Maeng Santos
Jul 13, 2019
1 min read

DALAWANG hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang 16-anyos na estudyante ang arestado sa Navotas City.

Ala-1:00 ng hapon nang mahulihan ng isang sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana ng mga tauhan ng Navotas Police Community Precinct-4 sa loob ng barangay hall sa Focal Person, Bgy. NBBS Kaunlaran ang estudyante na itinago sa pangalang Robert.

Nauna rito, alas-10:30 ng umaga, nagsasagawa ng monitoring ang mga security guard na sina Arturo Blancom, Jr., 40, at Jose Zolayvar, sa Navotas Fish Port Complex, Bgy. NBBN nang maispatan ng mga ito ang construction worker na si Mark Jayson de Silva, 20, ng Tonsuya, Malabon City, na mabilis na tumakbo sa entrance gate.

Nang sitahin ng mga sekyu, walang naipakitang ID si De Silva at nang ipatanggal ang suot nitong sumbrero ay nalaglag ang sachet ng hinihinalang shabu.

Inaresto ng mga sekyu si De Silva bago itinurnover kay P/Capt. Ferdinand Hermoso ng Navotas Maritime Police Station.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page