top of page
Pokwang.jpg

Drug war ‘pag inimbestigahan ng UN — Duterte | SEX VIDEO NI DE LIMA, ILALABAS KO!

Mylene Alfonso
Jul 13, 2019
2 min read

NAGBANTA si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na ilalabas niya ang sex video scandal ni detini­dong Senadora Leila de Lima kung mag-iimbes­tiga ang United Nations Hu­man Rights Council (UNH­RC) kaugnay sa umano’y extrajudicial kil­lings sa Pilipinas.

Tiniyak din ni P-Du­terte na mapapahiya la­mang ang international council para lamang ma­imbestigahan ang kan­yang kampanya laban sa iligal na droga.

Itatanong umano ng pangulo sa korte kung may moral pa rin ang pag­katao ng senadora sa ipa­kikita niyang mga video clip nito.

“My only question before a court if I permit an inquiry, ‘Ms. De Lima, are you a moral person?’ Then I will show you some clips. ‘Is this how you remain moral?’ Now, sige sabihin ko sa mga ano…,” pahayag ni P-Du­terte tungkol sa sena­dora.

Ayon pa sa pangulo, kapag nakita ng UNHRC ang kaso ni De Lima ay tiyak na mapapaisip ang mga ito.

“Bahala sila. Kung ako magtrabaho hindi ako… That’s crazy. But they — they can,” ani P-Duterte.

“Let’s face it. But they — they can. But tayo la­hat. They will realize that ‘yang kay De Lima, ma­sadsad talaga kayo di­yan. Eh, naniwala sila doon sa ano, eh…,” saad pa ng Punong Ehekutibo.

Matatandaang, ini­hayag ni De Lima na ang reso­lus­yon ay hudyat ng paghahanap sa mga dapat ma­nagot sa human rights violation sa ilalim ng ad­minis­trasyon ni Pangu­long Duterte.

Kaugnay nito, nais umano munang malaman ni P-Du­terte ang pakay bago manghimasok ang UN­HRC na imbestigahan ang komprehensibong ulat ka­ugnay sa umano’y ex­tra­judicial killings sa Pili­pinas.

Ito ay makaraang pa­boran ng UNHRC ang reso­lusyon ng Iceland na mag-imbestiga sa sitwas­yon ng karapatang-pan­tao sa bansa kabilang na ang patayan umano na may kinalaman sa war on drugs.

Nabatid na umabot sa 18 bansa ang sumang-ayon sa panukala at 14 ang kumontra, habang 15 ang nag-abstain.“Let them state their purpose and I will review it,” wika ni P-Duterte.

Ipinaliwanag ng pa­ngulo na kung layunin la­mang ng international body na magdagdag ng kontrobersiya sa isyu ay su­mangguni na lamang ang UN probers sa media. “Kasi kung magdag­dag lang sila sa intriga, they better go to the me­dia and the media will tell them the truth. Eh, ipa­labas ninyo ‘yung footages ninyong lahat and all, and that will clear everybody,” saad pa ng pangulo.

Kabilang sa 18 bansa ang pumabor sa panukala ay ang Argentina, Austra­lia, Austria, Bahamas, Bul­garia, Croatia, Czech Re­pub­lic, Denmark, Fiji, Iceland, Italy, Mexi­co, Peru, Slovakia, Spain, Ukraine, United Kingdom of Great Britain and Nor­thern Ireland at Uruguay.

Tutol naman ang 14 na bansa ang Angola, Bah­rain, Cameroon, China, Cuba, Egypt, Eritrea, Hun­gary, India, Iraq, Pilipinas, Qatar, Saudi Arabia at So­malia

Hindi naman bumoto ang 15 bansa na Afgha­nistan, Bangladesh, Bra­zil, Burkina Faso, Chile, Democratic Republic of Congo, Japan, Nepal, Ni­geria, Pakistan, Rwanda, Senegal, South Africa, Togo at Tunisia.

Matatandaang, sinu­portahan ng international hu­man rights group Am­nesty International ang resolus­yon na pinangu­nahan ng Iceland sa pa­mamagitan ng paglalabas ng ulat kung saan ay si­nabi roon na umabot sa mahigit 27,000 ang bilang ng drug related killings.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page