Bumbero tepok sa kuryente
ILOILO—Isang bumbero ang namatay nang makuryente, kamakalawa sa Bgy. Poblacion Dumangas sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Fire Officer 1 Denmark Ace Mayo, nakatalaga sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, nag-charge umano si Mayo ng cellphone na basa ang mga kamay kaya nang mapahawak ito sa live wire ay agad nakuryente ang biktima.
Dinala pa ng kanyang mga kapwa bumbero si Mayo sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments