Binatang gustong magka-GF at makatapos ng pag-aaral
- ROMA AMOR
- Jul 13, 2019
- 1 min read

Dear Roma,
Ako si Nathan, may kaklase akong babae na palaging nagpaparinig sa akin na gusto niya ako at gusto ko rin siya. Kaya lang, gusto kong makapagtapos muna kaming dalawa ng pag-aaral sa kolehiyo bago ko sa kanya sabihing gusto ko rin siya at hingin ang permiso niya para maligawan ko siya. Ang ikinababahala ko lang, paano kung sa tagal, eh, may bigla siyang magustuhang iba? Pangarap ko siya, pero pangarap ko ring matupad niya ang pangarap niya. Tama ba ang desisyon kong maghintay sa tamang panahon? — Nathan
Nathan,
Mayroong tamang panahon para sa lahat ng mga bagay. Ang pagpasok sa relasyon ay hindi biro, dapat pareho kayong handa sa commitment. Para sa amin, tama ang desisyon mong maghintay sa tamang panahon, ‘yung panahong alam mong handa ka na at alam mong handa na rin siya. Kung para kayo sa isa’t isa, magiging kayo kahit gaano pa katagal ang hintayin at abutin ninyo. Ang pagpasok sa relasyon ay hindi rin dapat minamadali. Rito ninyo malalaman at masusubok ang isa’t isa kung gaano katagal ninyo kayang maghintay dahil kung dumating ang puntong maging kayo at magsama kayo sa iisang bubong, panghabambuhay na ang inyong pagsasama. ‘Yun lang, God bless you!





Comments