2 tulak dedbol sa shootout
ISABELA—Dalawang drug pushers ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Bacareno, Cauayan City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Eduardo Barroga at Butch Felipe, kapwa nakatira sa nasabing lalawigan.
Nabatid na darakpin sana sa buy-bust operation sina Barroga at Felipe, pero nanlaban ang mga suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang mga suspek.





Comments