top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Radio broadcaster niratrat, utas

Jeff Tumbado
Jul 12, 2019
1 min read

TULUYAN nang pinatahimik sa ere ang isang batikang radio broadcaster makaraang pagbabarilin sa Lungsod ng Kidapawan sa North Cotabato.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Eduardo ‘Rapido’ Dizon, anchorman ng Brigada News FM, sanhi ng apat na tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Si Dizon ay tinambangan ng hindi pa nakikilalang suspek habang pauwi ito sa kanyang bahay sa bayan ng Makilala, pasado alas-10:00 ng gabi ng Miyerkules.

Batay sa imbestigasyon, nagawa pa umano ni Dizon na maitabi ang kanyang kotse sa kalsada bago tuluyang bawian ng buhay.

Nabatid na si Dizon ay tumakbo ring konsehal sa bayan ng Makilala at naging station manager ng Brigada News radio sa lugar.

Samantala, kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang krimen.

Ayon sa NUJP, kung mapatutuna­yang may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang broadcaster ang pagpatay ay pang-13 mamamahayag na pinaslang si Dizon sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page