Pusher dedbol sa drug-bust
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. T.L. Padilla, Carranglan sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Darwin Gamboa, nakatira sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si Gamboa, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments