P1 milyon pabuya vs. 7 suspek | METROBANK HINOLDAP

MAGBIBIGAY ng P1 milyong pabuya si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso para sa ikadarakip ng pitong bank robbers na nanloob sa Metrobank Binondo Branch, kahapon ng umaga sa Binondo, Manila.
Batay sa ulat ng Manila Police District-Station 11, alas-8:43 ng umaga nang isagawa ang panloloob sa bangko bago pa magbukas.
Nabatid na dalawa umano sa suspek ang nagpanggap na security guard kung saan kinausap muna ang guwardiya saka nagdeklara ng holdap.
Itinali pa umano ang bantay na guwardiya saka sinamsam ang pera at kinuha pa ang CCTV ng bangko bago nagsitakas sakay ng motorsiklo.
Nabatid na dalawang minuto ang nakalipas bago nakaresponde ang mga tauhan ng MPD-PS 11 at SWAT.
Samantala, inaalam pa ang halaga ng mga nakulimbat na pera. Iniimbestigahan na rin ng MPD ang kopya ng CCTV na nakuha sa kalapit na barangay.





Comments