P-Duterte sa Customs: 64 EMPLEYADO, SISIBAKIN

INANUNSIYO ni Pangulong Rodrigo Duterte na sisibakin niya ang 64 opisyal at empleyado ng Bureau of Customs (BOC) sa susunod na linggo.
Ito ang sinabi ng pangulo, isang araw matapos ipag-utos ng pangulo ang ‘freezing’ sa ilang opisyal at empleyado ng nabanggit na ahensiya.
“If I can dismiss them, I will be dismissing 64 from Customs next week,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa Malacañang.
“You resign or I file charges,” banta pa ni P-Duterte.
Gayunman, nilinaw ng pangulo na hindi pa sibak sa kasalukuyan ang mga hindi pinangalanang opisyal at empleyado dahil karapatan pa rin ng mga ito na ihayag ang kanilang panig.
“Let me be very clear. Let me talk. I will relieve them of their duties. As yet, they are not ousted or dismissed because of their right to be heard,” saad ng pangulo.
“But ipinatanggal ko na sila sa trabaho nila ngayon to prevent further damage sa government interest,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.





Comments