Mga Kapuso, todo-sunod at pa-selfie sa Kapamilya actress… KATHRYN, NAG-GUEST SA SIYETE, DINUMOG!
- BULGAR

- Jul 12, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

MAY napanood kaming video, pumunta pala kahapon sa GMA Network si Kathryn Bernardo at pinagkaguluhan ng mga taga-Kapuso. Hindi matapus-tapos ang pagpapakuha ng litrato ng mga empleyado ng network sa Kapamilya actress at kahit saan sila magpunta ni Alden Richards, may nakasunod sa kanila.
May video rin kaming napanood na parang ini-interview sina Kathryn at Alden, pero dahil may nakaharang na mga camera at kable, hindi malinaw kung saang show nag-guest ang dalawa. Pero nalaman naming sa Unang Hirit guest si Kathryn kasama si Alden. Wala pa lang airing schedule, basta bago mag-showing ang Hello, Love, Goodbye.
Ibig sabihin nito, kung magge-guest si Alden sa mga shows ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda at Magandang Buhay, nag-guest din si Kathryn sa Unang Hirit at may tsikang magge-guest sa Sunday PinaSaya.
Samantala, nagpasalamat ang mga fans ni Alden at pati na ang mga solid fans ni Kathryn sa pahayag ni Daniel Padilla na, “Abangan n’yo na lang ‘yung movie ni Kathryn, Hello, Love, Goodbye with Sir @aldenrichards02. Please abangan n’yo ‘yan.”
Ang saya lang na libreng nakakapag-guest sa mga shows ng ABS-CBN si Alden at ganu’n din si Kathryn. Sana, magpatuloy ang ganito at may sumunod kay Alden na Kapuso star na gumawa ng movie sa Star Cinema at puwede ring si Alden uli.





Comments