top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Laborer tiklo sa marijuana

Pabs Hernandez III
Jul 12, 2019
1 min read

QUIRINO—Isang laborer ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng marijuana, kamakalawa sa Bgy. San Ramon, Aglipay sa lalawigang ito.

Ang suspek ay nakilalang si Kennedy Ulila, nakatira sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachet ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.

Nakapiit na ang suspek at sinampahan na ito ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page