Kahulugan na sa BF huhugot ng lakas para maabot ang mga pangarap

Salaminin natin ang panaginip ni Jessa ng Je_S_ Sa@facebook.com
Dear Professor,
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na suot ng boyfriend ko ang sapatos ko?
Naghihintay,
Jessa
Sa iyo Jessa,
Alam mo, mahirap alamin kung ang lalaki ay tunay na lalaki. Ito ay dahil may mga gamit ang tao na tinatawag na unisex o puwede sa babae at sa lalaki.
Gayunman, sa biglang tingin, ang boyfriend mo ay hindi tunay na lalaki, pero hindi natin ito mapatutunayan hangga’t hindi mo siya kinakausap nang masinsinan.
Pero ang totoo, lalaking-lalaki ang boyfriend mo dahil ang iyong panaginip ay simpleng nagsasabi lang na mahina ka, kumbaga, wala kang lakas para maabot mo ang iyong mga pangarap kaya ang mangyayari ay ang mismong boyfriend mo ang kikilos, hahakbang at lalakad sa landas ng buhay na iyong tinatahak at sa dulo, ang katuparan ng iyong mga pangarap ay maaabot mo.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments