top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | Hulyo 12, 2019 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 12, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 12, 2019 (Biyernes): Gamitin mo ang napakalakas mong personalidad para mabilis kang umunlad. Huwag mo itong gamitin sa paghihimutok at pagsasawalambahala sa kinabukasan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang sinasabi ng mga tao sa paligid mo. Hayaan mo sila sa kasasalita dahil sa huli, magugulat na lang sila dahil milya-milya na ang agwat mo sa kanila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-26-37-45-46.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Baguhin mo ang nauna mong mga plano. Makipagsabayan ka sa kung ano ang uso. Sakyan mo ang mga kagustuhan ng marami kahit labag ito sa iyong personal na panuntunan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto- 7-11-13-20-24-33.

GEMINI (May 21- June 20) - Sumisilong ang mga ibon bago bumuhos ang malakas na ulan. Hindi masama kung pansamantala ka munang huminto sa pagpaparami ng iyong kita kapag ang negosyo ay matumal na. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-14-15-26-30-41.

CANCER (June 21- July 22) - Huwag mong layuan ang taong alam mong bagsak na bagsak ang kalooban dahil ang isa sa mahahalagang papel mo sa mundo ay ang ihanda ang iyong balikat para sila ay may masandalan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-13-18-27-34-49.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kumilos ka na parang wala ng bukas at kapag nakita mo ang bagong umaga, magugulat ka dahil ang yaman mo ay halos hindi mo na kayang bilangin pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-16-21-24-38-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Napansin mo ba na ang galaw ng mundo ay may sinusunod na kaayusan? Hanapin mo kung paano mo maaayos ang buhay mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-13-17-26-34-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo kailangan ang papuri ng iba. Huwag mong kaliligtaan na ikaw ang pumupuri sa sarili mo. Ito ang kakaibang sikreto para matagpuan mo ang tagumpay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-18-20-24-31-32.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gumaganda ang araw mo dahil natutunan mo ng ibahagi ang iyong damdamin sa malapit sa buhay mo. Huwag kang magbabago, ito ang dapat mong gawin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-18-25-30-38-43.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makabubuti para sa iyo ang maiksing pamamahinga. Huwag kang maniwala na ang tuluy-tuloy na pagsisikap ang kailangan ng tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-24-28-38-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi dapat sumama ang loob mo dahil marami ang ayaw maniwala sa iyo. Gawin mong tutuntungan tungo sa iyong tagumpay ang mga pamimintas nila sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-16-20-24-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag hindi ka tinigilan ng umaaway sa iyo, magugulat siya dahil sa huli, magkakapalagayan kayo ng loob at sa sobrang malapit na kayo ay hindi na ninyo gustong magkalayo pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-25-31-37-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kambal na suwerte ang mapasasaiyo. Magkasunod na darapo sa iyo ang mga suwerteng regalo ng langit dahil sa kabutihang loob mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-16-20-27-34-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page