Babae, tinodas ng kasamang lalaki sa loob ng apartelle

HINIHINALANG pinaslang ang hindi pa kilalang babae ng lalaking kasama nitong nag-check-in sa isang apartelle sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.
Sa ulat na natanggap ni Caloocan Police Chief Col. Noel Flores, alas-12:04 ng hatinggabi nang mag-check-in ang biktima at kasamang lalaki sa HSIRI Apartelle sa Maypajo at inokupa ang room 220.
Alas-3:00 ng madaling-araw, nakita ng desk personnel na si Jesica Edquilang ang paglabas ng lalaki sa silid kaya tinangka nitong harangin subalit, nagtatakbo ito.
Nagpasama si Edquilang sa dalawang roomboy na sina Jhonny Pombo at Reu Ben Bantilo sa inokupang silid ng dalawa at kinatok ang pintuan subalit, walang sumasagot kaya kinuha ng mga ito ang duplicate key ng silid.
Nang mabuksan ay tumambad sa kanila ang wala ng buhay na biktima na may umaagos pang dugo sa ilong na hinihinalang dumanas ng hirap.





Comments