Aktor, dahil 38-anyos na, game na! DENNIS, UMAMING DATE AT VENUE NA LANG ANG KULANG SA KASAL NILA N
- BULGAR

- Jul 12, 2019
- 1 min read

IT takes two to tango.
Ito ang kasabihang Kano na ang ibig sabihi’y ang isang seryosong desisyon ay kailangang ginagawa ng dalawang taong concerned. At tila ito ang kaganapan sa magkarelasyong sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Dahil 38 years old na ang magaling na aktor, he is ripe for marriage. Kaso, ready man siya’y tila adamant pa si Jen na lumagay sa tahimik. Never pang nagkaroon ng mabigat na tampuhan ang dalawa mula nang magkabalikan at malinaw na trouble-free na ang kanilang pagsasama.
“Magugulat na lang kayo kung kailan ang kasal. Siyempre, may plan kami about this. Ang kulang na lang ay date and place,” sabi ni Dennis.
Guest ang debonair actor sa Bubble Gang tonight kasama sina Dawn Zulueta, Liezl Lopez, Ashley Rivera at Vaness del Moral.
Nag-enjoy daw si Dawn with the Team Bubble na ang piloto’y ang leading man niyang si Michael V. sa initial offering ng MicTest Entertainment at co-produced by GMA Films na Family History.
Makikiliti at kikiligin kayo sa Angkas gags, Hapitot, Mumu Game Challenge, Hugot, Lasing at Si Medusa, Sigaw ni Sissie and Ang Nakaraan.
At si Dennis, parang therapy ang mag-comedy after doing drama and action sa movies and telebisyon.





Comments