Agawan sa speakership, ‘di pa tapos — Pulong

HINDI pa umano tapos ang boksing bagama’t, inendorso na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang term-sharing nina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco.
Ayon kay Davao City Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte, wala pang pormal na nanalong Speaker at ang eleksiyon ay idaraos pa lang sa Hulyo 22. Binanggit pa ng batang Duterte na maugong na mayroong nagbabalak na magkudeta mula sa isa sa tatlong kandidato sa Speakership.
“May election pa sa July 22 at doon ako mas interesado kung sino ang mananalo. Kasi may bali-balita, may isa sa tatlo na balak mag-coup d’etat on the day,” ani Duterte.
“Mukhang hindi pa tapos ang laban para sa kanilang tatlo at sa mga backer,” dagdag pa nito.





Comments