98,179 nadale sa dengue

AABOT na sa halos isandaang libo ang kaso ng dengue sa buong bansa sa unang anim na buwan pa lang ng 2019.
Batay sa pinakahuling report ng Department of Health-Epidemiology Bureau, mula noong Enero hanggang Hunyo ay nakapagtala ng 98,179 na kaso ng dengue sa buong bansa. Sa naturang bilang, 428 pasyente ang nasawi.
Ayon sa DOH, mula Hunyo 16 hanggang 22, umabot sa 3,610 dengue cases ang kanilang nairekord o walong porsiyento na mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noong 2018 na nasa 3,330 cases.
Sinabi ng DOH na mula noong Enero ay nairekord ang pinakamaraming kaso ng dengue sa Western Visayas na may 11,285; CALABARZON na may 10,313; Central Visayas na may 8,773; SOCCSKSARGEN na may 8,297 at Southern Mindanao na may 8,289 na kaso ng dengue.





Comments