top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

P1.8 bilyon suhol daw kay Mayor Isko 'wag lang tanggalin ang mga illegal vendors… RESBAK NI ERAP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 11, 2019
  • 2 min read

SABI ng madlang pipol, “bitter” daw ang mag-amang sina dating Manila Mayor Erap Estrada at Jerika Ejercito sa pagpapakitang-gilas ng bagong halal na mayor ng Maynila na si Isko Moreno.

Tila ‘di pabor ang mag-ama sa paglilinis ni Mayor Isko sa mga illegal vendors sa kalsada patungong Divisoria at Quiapo Church.

Naunang nagpahayag ng kanyang saloobin sa social media ang talunang konsehala ng Maynila na si Jerika Ejercito at kasunod nito’y ang dating pangulo at Manila mayor naman ang nagpa­saring sa bagong alkalde ng lungsod.

Kaugnay ito ng isinasagawang clean-up drive ng bagong adminis­trasyon ni Isko sa ilang panguna­hing lugar sa Maynila kagaya ng Divisoria, Recto, Blumentritt at Quiapo.

Ayon kay Erap, madaling linisin ang lungsod at tanggalin ang mga illegal vendors — na ilang dekadang umokupa sa mga pangu­­­nahing kalsada sa Kamaynilaan — ngunit may ilang bagay daw na kailangang isaalang-alang o ikonsidera.

Madaling magpasikat. Ma­dali ‘yan, isang utos ko lang ‘yan. Ilang taon na akong naging mayor, sa San Juan, sa Maynila, naging presidente pa ako.

“Madali ‘yang iutos, pero ti­tingnan mo rin ang kapakanan ng kapwa tao mo, lalo na ‘yung mga mahihirap, ‘di ba?” katwiran ni Erap sa kanyang panayam sa DZ­MM Teleradyo nu’ng Martes (July 9).

Si Erap ay naging mayor ng San Juan sa loob ng 17 taon, mula 1969 hanggang 1986.

Noong 1998 ay nahalal siyang pangulo ng Pilipinas, ngunit napatalsik sa puwesto noong 2001.

Noong 2013 ay tumakbo at nanalo siyang mayor ng Maynila, at nanalong muli para sa kanyang ikalawang termino noong 2016.

Ngunit nitong 2019 elections ay tinalo siya ni Isko para sana sa kanyang ikatlo at huling termino bilang Manila mayor.

Mariin ding pinabulaanan ni Erap ang mga alegasyon ng kanyang successor tungkol sa panunuhol.

Sa isang panayam ay isiniwalat ni Isko na in-offer-an siya ng P5 milyon kada araw o P1.8 bilyon kada taon para itigil ang kanyang operasyon laban sa illegal vendors.

Pahayag ni Erap tungkol dito, “Hindi nga makapagbayad sa City Hall araw-araw, nahihirapan pa, mag-offer pa nang milyun-milyon? Kalokohan!

Wala nang mapakain sa kanilang pamilya, magbibigay nang milyun-milyon?

“Tama na ‘yang mga kalokohan na ‘yan.

Sa kabila ng mga alegasyong ibinabato laban sa kanya, ipina­panalangin pa rin daw ni Erap ang tagumpay ni Mayor Isko.

Let us pray and wish him (Mayor Isko) success.

“There’s that saying, once a person is elected, kung walang daya, talagang clean elections, the voice of the people is the voice of God. Let us help him,” maka­­hulugan niyang mensahe sa bagong Manila mayor.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page