Nanapak ng kagawad, tinodas

DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang 41-anyos na karpintero makaraang tagain sa katawan sa Bgy. Camandison, Catanauan, Quezon.
Alas-4:30 ng hapon, nagkaroon pa ng pagtatalo ang biktimang si Antonio Ramos, ng Bgy. Madulao, sa kasamahan nito.
Pinilit pang awatin ng barangay kagawad ang kanilang away subalit, bigla umano siyang sinuntok ng biktima.
Roon naman tumulong ang suspek na si J-Ar de Villa, 29, driver kung saan kumuha ng itak saka inatake ng taga sa likod ng katawan ang biktima.
Dali-dali pa itong isinugod sa pagamutan ngunit, binawian din ito ng buhay habang patuloy ang pagtugis sa suspek.





Comments