top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG BALIKAN NG DYOWA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 11, 2019
1 min read

Dear Maestro, Babalikan pa kaya ako ng boyfriend ko? Magkahiwalay kami nang malaman niyang buntis ako.

Sa ngayon, nandito ako sa bestfriend ko dahil hindi ko ipinaaalam sa mga magulang ko ang nangyari sa akin dahil nagbabakasakali akong matatauhan at babalik din ang boyfriend ko. Mga dalawang buwan na siyang wala at hindi man lang nagpaparamdam.

Sa palagay ninyo, Maestro, tama kaya ang pakiramdam ko na babalikan din ako ng boyfriend ko ‘pag naisip niyang mali ang kanyang ginawang pag-abandona sa akin at sa kanyang magiging anak?

October 4, 1989 ang birthday ko at January 28, 1988 naman ang boyfriend ko.

Umaasa, Rianne ng Sampaloc, Manila

Dear Rianne, Tama ang pakiramdam mo, Rianne, at matalas nga ang iyong intuition dahil sadyang nakatutuwang makitang compatible ang zodiac sign mong Libra sa zodiac sign na Aquarius ng boyfriend mo dahil ang Aquarius at Libra ay nagtataglay ng iisang elemento — ang elemetong hangin o air.

Gayundin, ang kinalabasang pagsusuri sa Numerology kung saan ang birth date mong 4 at 28 o 1 (2+8= 10/ 1+0=1) naman ang boyfriend mo ay nagsasabing, kapwa kayo pinaghaharian ng planetang Uranus-Sun.

Ibig sabihin, hindi lang sa Astrology kundi pati na rin sa Numerology ay tugma ang inyong relasyon.

Ibig sabihin, sa malapit na hinaharap, ngayong 2019, tiyak ang magaganap, pagsapit ng kalagitnaan ngayong Hulyo, malahimalang kaganapan ang mangyayari habang pumapatak ang ulan sa kasalukuyang bahay na iyong tinitirahan – magbabalik ang iyong boyfriend upang panagutan ang pagbubuntis mo hanggang sa tuluy-tuloy na kayong magpakasal at magsasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page