top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Huwag matakot sa mga libreng bakuna ng gobyerno

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 11, 2019
1 min read

MULING hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na samantalahin ang free immunization program ng gobyerno.

Ito ay upang maprotektahan ang kanilang mga anak laban sa vaccine-preventable diseases.

Paliwanag ng ahensiya, dahil de-kalidad, ligtas at libre ang bakunang ibinibigay ng gobyerno, walang dahilan para hindi pabakunahan ang mga bata. Dagdag pa nito, planong gawing mandatory ang school-based immunization.

Matatandaang, naapektuhan ang immunization program ng gobyerno dahil sa kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine, gayundin, idineklara ang measles outbreak sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Ang school-based immunization campaign ng DOH ay may layong mabakunahan ang 9 milyong kindergarten hanggang Grade 7 students sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Makatatanggap umano ang bawat bata ng measles-containing vaccine (MCV), Human Papillomavirus (HPV) vaccine at booster shots para sa tetanus-diphtheria.

Babakunahan lamang ang mga estudyante na mayroong parental consent.

Tama lamang gawing mandatory ang pagpapabakuna sa mga paaralan dahil tungkulin ng gobyerno na mapanatiling malusog ang mamamayan.

Payo sa mga magulang, huwag matakot, gayundin, huwag sayangin ang pagkakataong mabakunahan ang mga bata dahil para ito sa kanilang ikabubuti.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page