top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bagong DICT secretary, mapapalaban sa pagbabantay sa 3rd telco

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 11, 2019
1 min read

MASAYA ang palitan ng text ng mga subscriber ngayon.

Kasi aandar na ang ikatlong telco!

◘◘◘

MALAKING papel ang ginampanan ng National Telecommunications Commission (NTC).

Epektibo ang pagtutulungan nina NTC Commissioner Gamaliel Cordoba at ex-DICT Secretary Eliseo Rio!

◘◘◘

UMAASA ang mga subscriber na mababantayang mabuti ang tatlong telco ng bagong secretary ng DICT na si Gringo Honasan

Ipinagkaloob na ni Pangulong Duterte noong Lunes ang Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN)!

◘◘◘

MAIPATUTUPAD na rin ang “mandatory unlocking of mobile phones and devices” na ipinag-utos ng NTC sa Globe at Smart.

Ibig sabihin, kapag napaso ang lock-in period, magiging openline na ang mobile phone o device!

◘◘◘

MALAKING bagay at praktikal ang kalayaang makapamili ng gusto mong mobile network provider.

Isinulong ng NTC ang batas tungkol sa mobile number portability kung saan tinitiyak na “may forever” ang mobile phone user sa kanyang sim card number kahit magpalit pa siya ng mobile network o mag-postpaid mula prepaid o vice-versa at wala itong charge!

◘◘◘

PUMAYAG na rin ang dalawang malaking telco sa “common tower policy” na ipinanukala ng NTC.

Ang common tower policy ay makapagpapababa sa gastusin sa operasyon ng mga telco at makararating na ang signal kahit sa mga liblib na lugar.

Ang pagkakaroon ng ikatlong telco ay isa sa dahilan ng mataas na satisfactory rating ni P-Digong sa nagdaang mga survey!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page