top of page
Pokwang.jpg

Rider dedbol sa karambola

Pabs Hernandez III
Jul 10, 2019
1 min read

CAMARINES SUR—Isang rider ang namatay at sugatan ang dalawa katao sa naganap na karambola ng tatlong sasakyan, kamakalawa sa Bgy. Buluang, Baao sa lalawigang ito.

Kinilala ang nasawi na si Bernard Sinfuego, samantalang, ang sugatan ay sina Jomar Triumfante at Nilda Buenaventura.

Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Sinfuego ang kanyang motorsiklo at kaangkas si Triumfante ay aksidenteng nabangga sila ng Nissan Terra na minamaneho ni Angeles Tresvalles, nadamay at nabangga ang pick-up na kinalululanan naman ni Buenaventura.

Kaagad dinala ng mga saksi ang tatlong biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Sinfuego.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page