top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Puwede n‘yo raw itong gamitan ng art, mga beshy! 5 CREATIVE WAYS PARA MAPAKAIN NG GULAY AT PRUTAS AN

  • Jersey Sanchez
  • Jul 10, 2019
  • 2 min read

Sa panahon ngayon, parami na nang parami ang mga batang mapili sa pagkain, kaya maraming mommies ang nai-stress dahil sa pag-iisip kung ano ang kakainin ni bagets. Pero, no worries dahil narito na ang ilang creative ways para mapakain sila ng mga prutas at gulay:

1. FOOD ART. Kung noon, eh, hindi na­tin puwedeng busisiin ang pagkain, ngayon, mamsh, puwede ka nang mag-eksperimento rito. Ang mga gulay ay may iba’t ibang kulay kaya puwede kang maging malikhain sa paghahanda nito sa pamamagitan ng art.

2. USE COOKIE CUTTER. Yes, mamsh! Perfect tool ito para makagawa ka ng iba’t ibang hugis ng gulay at prutas. Kabilang sa mga puwedeng i-shape ang apple, pear, cucumber, carrots at patatas. Sa ganitong pa­raan, matutuwa si bagets, gayundin, mas ma­dali siyang mahihikayat na kumain ng gulay at prutas dahil sa iba’t ibang shapes nito.

3. USE FAMILIAR FOOD AND ADD ONE NEW. Para hindi siya ma-shock o manibago, mabuting pakainin siya ng mga bagong gulay nang paunti-unti. Piliin ang mga pagkain na gusto o natikman na niya at saka magdagdag ng bago niyang ita-try. Copy?

4. DIVIDED LUNCH BOX. Mala­king tulong ito dahil magiging mas madali ang paglalagay ng iba’t ibang variety ng mga pagkain sa iisang lagayan. Hindi kaila­ngan ng maraming compartment, mamshie, ang importante, may divider para maba­lanse ang kakainin niya sa meal na ‘yun.

5. GET THEM INVOLVED. Kahit gaano pa ka-simple ang ihahanda mo, mamsh, ito ay dahil ang pagiging curious ni bagets sa mga ihahanda mo ay pagkakataon para maipaliwanag sa kanya kung bakit siya dapat kumain ng gulay at prutas. Dagdag pa rito, mas gaganahan silang kumain dahil sila mismo ang naghanda ng kanilang pag­kain.

Mga mommy, hindi basta-basta ang mga ito dahil kailangan ninyong maglaan ng effort para maisagawa nang maayos ang mga nabanggit na paraan. For sure, worth it ang effort ninyo kapag natuto nang kumain ng gulay at prutas si bagets.

Happy healthy eating, mamshies! Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page