Magsasaka tepok sa riding-in-tandem
NORTH COTABATO—Isang magsasaka ang namatay at malubhang nasugatan naman ang dalawang kasama nito nang pagbabarilin sila ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Liliongan, Carmen sa lalawigang ito.
Nakilala ang namatay na si Allan Gagil, samantalang, ang mga sugatan na ginagamot sa ospital ay sina Norodin Guilani at Nagum Sapalon, pawang residente ng Bgy. Cadis sa nasabing bayan.
Nabatid na habang sakay ang tatlong biktima ng motorsiklo na minamaneho ni Gagil ay dinikitan sila ng dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay din sa motorsiklo at agad silang pinagbabaril.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.





Comments