Empleyado ng City Hall todas sa riding-in-tandem
- Maeng Santos
- Jul 10, 2019
- 1 min read

PATAY ang 33-anyos na security officer ng Malabon City Hall Amphitheater matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Angelo Aquino, ng Bgy. Dampalit.
Ipinag-utos naman ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao sa kanyang mga tauhan ang follow-up operation sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek.
Ayon kina PSSG Ernie Baroy at PSSG Philip Cesar Apostol, alas-10:30 ng gabi, binabagtas ng biktima ang Gen. Luna St., Bgy. Dampalit sakay ng kanyang bisikleta pauwi nang sumulpot mula sa likuran nito ang mga suspek at pinagbabaril si Aquino.





Comments