Break na naman sa French BF, Sharon… KC, IPINAGSIGAWANG SINGLE NA ULI


NABULABOG ang mga followers ni KC Concepcion sa Instagram post ng dalaga kung saan ay parang nagpapahiwatig siya na break na sila ng French filmmaker boyfriend na si Pierre Emmanuel Plassart.
Nag-post ng brunch in bed photo si KC at sa caption, she referred herself as single lady.
“Brunch in bed. I truly believe that the people and energy you surround yourself with can either hurt, or heal you.
“Living on my own, I nursed myself for a full week to get through the seasonal flu. These are the times we single ladies probably wish we had someone by our side at home.
“All natural meds and unexpected homecooked Asian meals from my friends, aunt, fans and agent are helping me recover super fast. It’s really about how much Love surrounds you!!! I’m touched ok and super grateful.
“PS I’ll make today the last day of breakfast in bed for a while ‘cuz there’s danger in getting used to this! Be well, beautiful people!” ang kabuuan ng caption ni KC.
Bukod sa kanyang pagkakasakit, ang “single ladies” na word ni KC ang nag-iwan ng tatak sa mga netizens at panay ang tanong nila kung break na sila ni Pierre.
“‘We single ladies.’ Should I read between the line?” saad ng isang netizen.
“With this post, KC is basically announcing to the world that she is single and ready to mingle so don’t worry about her flu slowpokes!” komento ng isa pang netizen.
“Owww, single na siya,” reaksiyon naman ng isa pa.
Pinuna rin ng ilang netizens na medyo matagal na siyang walang post about Pierre pero may nagdepensa namang nagla-like naman daw ang French filmmaker sa mga posts ng girlfriend.
Pero may mga nag-comment din na ang ibig sabihin lang ng “single ladies” ni KC ay walang asawa at dalaga pa.
“Single means unmarried, that does not mean what you are insinuating,” anang isang follower.
“Single means dalaga, wala lang siyang asawa,” sey naman ng isa pa.
Wala namang reaksiyon or sagot si KC sa lahat ng komento kaya hindi pa rin natin alam kung ano ba ang totoo. Kung totoong wala na sila, sayang naman dahil akala pa naman ng lahat ay sa kasalan na hahantong ang kanilang relasyon at maging ang ina nga niyang si Sharon Cuneta ay umaasa nang magkakaapo na siya.





Comments