top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bebot na nai-stress sa kaklaseng madaldal

  • ROMA AMOR
  • Jul 10, 2019
  • 1 min read

Dear Roma,

Ako si Colleen. Kasi­si­mula pa lang ng klase ay mayroon na akong ka­klaseng medyo nakakai­nis. Ako ‘yung tipo ng tao na mas gusto kong mapag-isa kaysa inuusisa ang buhay ko pero, ‘yung ka­klase ko na ‘yun, since katabi ko siya, palagi niya akong dinadaldal. Ang masaklap pa ru’n, tanong siya nang tanong tungkol sa buhay at family back­ground ko. Ano ang da­­pat kong gawin para ma­iwa­san ko ang mga ga­nitong tao? — Colleen

Colleen,

Salamat sa pagbaba­hagi mo sa amin ng iyong kara­nasan sa paaralan. Normal lang na makaramdam tayo ng inis kapag inuusisa ng taong hindi natin kilala ang mga personal na bagay tungkol sa atin. Marahil gus­tong makipagkaibigan sa iyo ng katabi mo, pero kung hindi ka komportable sa kanya, makabubuting ipa­halata o sabihin mo sa kanya na hindi ka sanay sa mga ganu’ng klase ng ta­nungan sa maayos na paraan para hindi siya ma-offend, puwede ring mag-initiate ka ng ibang topic bilang simula para mabig­yan din siya ng chance na makipagkaibigan sa iyo. Good luck sa’yo at God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page