Bagong Pedro Penduko… MATTEO, PALIT KAY JAMES SA MOVIE

Nitz Miralles / BIDA

ANG Pedro Penduko pala ang tinutukoy ni Matteo Guidicelli na gagawin niyang pelikula paglabas niya sa Camp Tecson and after his military training. Three times naming narinig na sinabi ni Matteo na may gagawin siyang pelikula, pero hindi binanggit kung ano, kahit kinulit siya ng mga reporters na nag-interview sa kanya sa launching ng single niyang Sundo sa Viva Films.
Matatandaang nabalitang si James Reid ang gagawa sa remake ng Viva Films movie at nag-training na nga siya. Kinailangan lang niyang mag-backout dahil sa tinamong shoulder injury sa training. Kahit ilang therapy ang ginawa sa kanya, hindi pa rin nawala ang sakit, kaya no choice ito kundi umatras sa project.
With Matteo, hindi mamomroblema ang Viva Films sa training dahil batak ang katawan niya at hindi mahihirapan sa action scenes.
Hindi pa nga lang ina-announce ng Viva Films na si Matteo na ang pumalit kay James sa Pedro Penduko.





Comments