Alamin mula kay Señor... MGA SIYENTIPIKONG KAALAMAN TUNGKOL SA KASARIAN NG MAGIGING ANAK
- BULGAR

- Jul 10, 2019
- 1 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang pagpapatuloy sa kasagutan sa email ni Rosalie ng Rosalie_ Baguio Gurl @facebook.com
Dear Rosalie,
Noong nakaraan ay ibinahagi natin ang mga paraan kung paano magiging lalaki ang ipinagbubuntis. Ngayon, tulad ng ating ipinangako, siyentipikong kaalaman ang ating pag-uusapan para makatiyak tayo na magkakaroon ka ng baby boy.
Ang sperm ng lalaki ay tinatawag na x at y habang ang egg cell ng babae ay x. Kaya kapag nagkataong ang sperm ay x at na-meet niya ang x na egg cell ng babae, ang anak ay sure na baby girl.
Gayundin, kapag ang sperm na y ay na-meet ang x egg cell ng babae, ang anak ay sure na baby girl din.
Ang isa pang katotohanan ay mabilis kumilos ang y sperm cells, pero mabilis ding mawala. Ang x sperm cell naman ay mabagal gumalaw, pero matagal mawala. Ang life span ng y sperm ay umaabot ng 24 oras habang ang x sperm ay 3 hanggang 4 na araw.
Kapag nagtalik bago ang tinatawag na ovulation, maraming y sperm ang patay na, samantalang, ang x sperm ay buhay pa at ito ang magpe-fertilize sa egg ng babae, kaya ang resulta, magkakaroon sila ng anak na babae.
Kaya para magkaroon ng baby boy, ang kailangan gawin ay magtalik pagkatapos ng ovulation. Inirerekomenda na kahit may menstruation pa ang babae ay gawin na ang pagtatalik. Pero, kung ayaw ninyo, puwede ring magtalik pagkatapos ng period ng babae.
Good luck and God bless!




Comments