Pramis ni P-Digong na 3rd telco natupad na, mobile subscriber naka-jackpot!

NATUPAD na ni P-Digong ang ipinangakong ikatlong telco.
Mistulang naka-jackpot ang mga mobile subscriber!
◘◘◘
DUMAAN sa butas ng karayom ang Mindanao Islamic Telephone Company, Inc. (Mislatel).
Pinagkalooban na sila ng prangkisa ng Kongreso!
◘◘◘
NAKUMPLETO ng Mislatel ang tinatawag na “Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN)”.
Maaari na silang maglatag ng cable at umarangkada na sa kalye!
◘◘◘
PINANGUNAHAN kahapon ang awarding ceremony ni Pangulong Duterte kasama sina DICT Sec. “Gringo” Honasan at NTC Commissioner Gamaliel Cordoba.
Tiniyak ng Mislatel ang 37.03% national coverage na may average speed na 27 Mbps sa unang taon ng kanilang operasyon!
◘◘◘
Sa ika-5 taon, maaabot nila ang 84.01% ng populasyon at magiging 55 Mbps na ang average speed.
Nagsagawa ang NTC sa apat na public hearings at 46 technical working group meetings mula noong Enero 2018 bago naigawad ang prangkisa!
◘◘◘
Nailabas na ang “Rules and Regulations on the Selection Process for a New Major Player in the Philippine Telecommunications Market.”
Mismong ang pangulo ang nagbuo ng oversight committee (OC) kung saan ang chairman nito ay ang DICT acting secretary na si Eliseo M. Rio at vice-chairman na si Finance Sec. Carlos G. Dominguez at miyembro sina Executive Sec. Salvador Medialdea at National Security Adviser Hermogenes Esperon!
◘◘◘
Naging transparent ang bidding process at tumulong ang International Telecommunications Union (ITU).
Kasabay nito, ipatutupad ng NTC ang “Mobile Number Portability Act” kung lifetime na ang cellphone number ng mga subscriber.
Klap! Klap! Klap!





Comments