MONTGOMERY, ABANGAN KAPALIT NI BOWLES SA ROS


PAPALITAN na ng Rain or Shine si Denzel Bowles, matapos na ang ‘prolific import’ ay dumanas ng knee injury sa kasagsagan ng kanilang laro kontra Alaska Aces noong Sabado.
Ayon sa PBA website, dumanas si Bowles ng medial meniscus tear at maliit na medial collateral ligament tear sa kanang tuhod. Nangyari ang injury matapos na makabanggaan ni Bowles si Jeron Teng sa 2nd quarter ng kanilang 2019 PBA Commissioner’s Cup at kailangan na itong alalayan sa paglalakad palabas ng court.
Nagwagi sa laban ang Rain or Shine, 86-84. Iniulat naman ng Spin.ph na si Carl Montgomery, na dating naglaro sa Malaysia, ang maaring maipalit kay Bowles at inaasahang makalalaro na ito kontra Magnolia Hotshots sa Miyerkules.
Si Bowles ay may average 28.9 points, 11.8 rebounds, 4.3 assists at 1.3 blocks kada laro sa conference. Bago dumanas ng injury, may nagawa siyang 16 puntos kontra Alaska Aces. (MC)





Comments