Madir, gusto na raw mag-asawa… KARLA, NILAYASAN NI DANIEL


SPEAKING of Magandang Buhay, bongga talaga ang Kapamilya morning show na ‘to. Imagine, sa MB agad nag-live TV appearance si Matteo after his training sa PA?!
Dito ikinuwento lahat ni Matteo ang mga hirap and yet very fulfilling na pinagdaanan niya sa training.
Recently naman, sa guesting ni Teen King Daniel Padilla with his friend, Ian Veneracion, nabulgar na tutol na tutol si Karla sa pagmomotorsiklo ng kanyang anak. It turned out na si Ian pala ang nag-impluwensiya at nagturo kay Daniel sa pagmomotor.
Pero say ni Daniel kay Karla, kailangan na hayaan na siya sa kanyang pagmomotor and “learn how to live with her pain,” pa-Ingles pang sabi ng bf ni Kathryn Bernardo sa kanyang ina.
Ang pain ng ina na tinutukoy ni Daniel ay ang sobrang pag-aalala, pagkanerbiyos at takot.
“Hindi tayo puwedeng mabuhay sa takot, kundi hindi natin maaabot ang mga pangarap natin,” seryosong sabi ni Daniel.
Pero biglang humirit ng tanong si Jolina kay DJ (palayaw ni Daniel), “Eh, paano kung halimbawa, nagmahal ang Mama mo, may takot ka ba?”
Sagot naman ni Daniel, “Huwag nating pag-usapan ‘yan,” pagkatapos ay hinalikan nito sa pisngi si Karla.
Say naman ni Melai, “Bakit, DJ, over protective ka rin sa Mama mo?”
“Te Mels, alam mo, lumaki ako na marami akong nakilala rin na… and, alam naman natin na may darating at darating. Pero pinag-usapan naman namin ‘yun na kapag mature na siya, kapag hindi na siya baby.”
May suggestion naman si Karla sa anak na mag-compromise na lang sila sa isa’t isa.
“Hindi na lang ako mag-aasawa na, hanggang pagtanda, pero kasa-kasama mo ako kahit saan. Kahit saan kayo magpunta ni Kathryn, I’m just here, anak. Because hindi mo ako binigyan ng buhay ko, okay?” natatawang sabi ni Karla.
Kuwento naman ni Daniel, pinag-usapan na raw talaga nila ng ina ang tungkol sa pag-aasawa ni Queen Mother.
Tinanong ni Jolina si Daniel kung ano ang nangyari sa pag-uusap nila.
“Parang nag-walkout lang ako. Hahaha!” natatawang sagot ni DJ.
Tila hindi pa natatanggap ni Daniel na mag-aasawa na si Karla. Mukhang si DJ ang malaking balakid kung bakit hanggang ngayon ay ‘di pa rin ikinakasal si Karla sa kanyang boyfriend, huh?
Kaya naman pala ganu’n na lang kung mag-wish sina Jolina at Melai na sana ay ikasal na ang kapwa host nila sa Magandang Buhay.
‘Yun na!





Comments