Illegal vendors pinapayagan — Isko | 9 PULIS, SIBAK
- Mylene Alfonso
- Jul 9, 2019
- 1 min read

SIYAM na opisyal ng Manila Police District-Station 11, ang inirekomenda ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Domagoso kay MPD Director PBrig. General Vicente Danao, Jr. na sibakin makaraang madiskubreng pinapayagan ang mga vendor na magtinda sa lugar na kanilang nasasakupan pagsapit ng gabi sa Binondo.
Kabilang sa mga sinibak na opisyal ng MPD-PS 11 sina PLt. Col. Antonietro Eric Mendoza, PMaj. Robinson Maranion, PMajor Alden Lee Panganiban, PCapt. Jerry Garces, PCapt. Bernardino Ventjrina, PCapt. Manuel Calleja, PLt. Jerry Caneda, PLt. Maricel Pili at PLt. Maribel Fiedacan.
Habang itinalaga naman ni Danao bilang bagong hepe ng MPD-PS11 si PLt. Col. Noel Calderon Aliño.
Ayon kay Mayor Domagoso, magsilbi sanang babala sa lahat ng opisyal ng MPD ang ginawang pagsibak sa mga nabanggit na opisyal na hindi nakikiisa sa isinasagawang pagsasaayos sa Lungsod ng Maynila.
“Pagtalikod namin, saan ka nakakita na iyong major, utusan ng barangay chairman, either na hindi nila nakikita o wala silang ginagawa,” ani Mayor Domagoso.





Comments