GIYERA ANG BANATAN NG FOTON AT HD, LIFESAVERS AT BLAZERS
- BULGAR

- Jul 9, 2019
- 2 min read

MAKARAANG pumoste ng back-to-back victories, magmamartsa ang Foton para sa panibagong giyera sa mapanganib na Cignal HD Spikers sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayong Martes sa Bacoor Strike Gym sa Bacoor City.
Magsisimula ang laban ng 7 p.m. kung saan pakay ng Tornadoes ang ikaapat na panalo upang manatili sa mataas na posisyon ng standings sa prestihiyosong women’s club tourney. Samantala, magtutuos ang Petron at Generika-Ayala para sa pag-aagawang solong second spot ng 4:15 p.m. Sa tikas ni Filipino-American Kalei Mau, nanatili ang Tornadoes sa tuktok ng standings na may anim na diretsong panalo habang ang Petron at Generika-Ayala ay patas sa ikalawa na may 4-1 na panalo-talong marka.
Ang Foton ay ikatlo na may 3-3 habang ang Cignal at PLDT Home Fibr ay sisikaping makapagtala ng 2-3 at 2-4 cards ayon sa pagkakasunod. Iyan ang magpapa-excite sa bakbakan ng Foton at Cignal habang pagpapalawig sa winning streak ang target ng Tornadoes para makasalo ang heavyweights sa top leaderboard sa torneo na isinasaere ng ESPN5 at Kapatid TV5 pagpasok sa krusyal na bahagi ng unang round ng eliminasyon.
Sinabi ni Tornadoes coach Aaron Velez na hindi nila mamaliitin ang HD Spikers dahil may deadly form pa rin ang mga beteranang sina Rachel Anne Daquis at Jovelyn Gonzaga maging ang young guns na sina Mylene Paat, Alohi Robins-Hardy, May Luna at Norielle Ipac. “We’re taking it slowly and surely. We don’t want to rush ourselves or get top excited,” saad ni Velez, na isasabak ang kanyang matatangkad na frontline na sina Jaja Santiago, Elaine Kasilag, Dindin Manabat at Maika Ortiz “It’s good that we’re back on track, but it’s still too early to celebrate. What we need is to put in work and the results – be it good or bad – will surely follow.”
Sa nakaraan nilang laro, maganda ang performance nina Santiago, Kasilag at Ortiz nang makagawa ng 13 blocks upang wasakin ang kontension ng Lady Skippers at pagwagian ang laro sa loob ng 74 minuto.
May naambag na tig-12 puntos sina Santiago at Kasilag habang si Ortiz ay tumapos ng may 11 marka. “It was a win that gave us the momentum,” ayon kay Velez. “We’re facing Cignal with high morale. We have to work hard to pull it off and keep this streak going.” (VA/MC)





Comments