Gas explosion sa mall, 20 nadale
Jersey Sanchez
Jul 9, 2019
1 min read
SUGATAN ang 20 katao sa pagsabog sa isang mall sa Florida.
Ayon sa Plantation Fire Department, dalawa sa mga nasugatan ay nasa seryosong kondisyon.
Kumalat ang mga larawan sa iba’t ibang news sites kung saan makikita ang lawak ng pinsala ng gas explosion.
Ayon sa mga awtoridad, nasira ang gas line at nagkaroon ng active gas leak.
Patuloy na iniimbestigahan ang insidente, gayundin ang pinagmulan ng pagsabog.





Comments