Aray ko!!! Girls, sey n'yo? SIGAW NI PIOLO: MAG-AASAWA LANG AKO 'PAG NAG-ASAWA NA SI IÑIGO!


ANG ganda ng bagong campaign ng Sun Life Financial dubbed as Kaakbay: Stories of Lifetime Partnerships, kung saan isa-isang ipinakilala sa press launch — na ginanap sa Sofitel Hotel nu’ng Sabado — ng mga ambassadors nito led by Ms. Charo Santos-Concio, Piolo Pascual, Iñigo Pascual, Matteo Guidicelli at Enchong Dee ang kani-kanilang itinuturing na lifetime partner.
Revelation para sa lahat ang love story ng dating ABS-CBN president na si Ma’m Charo dahil ikinuwento niya kung paano sila nagsimula ng kanyang husband na si Mr. Cesar Concio.
Unang dinner date raw nila ay niyaya na agad siya ng kasal ni Mr. Concio na that time ay nasa forties na habang late twenties lang si Ma’m Charo. Separated ang guy sa unang asawa pero ‘di naman nagkaroon ng problema para magpakasal sila.
Deskripsiyon pa nga ni Ma’m Charo sa kasal nila ay...“It shocked the whole of Manila.”
Pero kahit malaki ang age gap, ‘di ito naging hadlang para maging lifetime partner niya si Mr. Cesar Concio kung saan nagkaroon sila ng dalawang lalaking anak.
Marami raw siyang natutunan sa mister na maituturing niyang nakatulong kung anuman ang narating niya ngayon.
Si Papa P. naman, si Iñigo ang itinuturing na lifetime partner, kaya tinanong namin siya after ng launch kung wala na ba talaga siyang balak mag-asawa.
Sagot niya, “Gusto ko pang mag-asawa. Gusto ko pang magkaanak. Pero kasi, bata pa ako, so gusto ko munang mag-enjoy sa buhay. So, siguro, ‘pag nag-asawa na si Iñigo.”
Ewan kung “Life begins at 40” ang motto ni Papa P. since 42 na siya ngayon, ha?
Si Matteo, wish lang namin ay si Sarah Geronimo na nga ang maging lifetime partner niya, although sa video na ipinakita ay may tribute siya sa kanyang dearest lolo.
While si Enchong naman, ‘di pa raw priority sa ngayon ang love life kundi career muna, pero itinanggi niyang lodi niya si Papa P. kaya pareho pa silang ‘di naghahanap ng lifetime partner. May kani-kanyang rason daw sila ni Piolo kaya loveless pa rin.
So, ang itinuturong lifetime partner ni Enchong ay ang namatay niyang swimming coach na naging mentor at parang tatay na rin niya.
‘Di namin nainterbyu si Iñigo kaya ‘di namin naitanong kung maghahanap na ba uli siya ng lifetime partner ngayong break na sila ni Maris Racal.
Anyway, sa Kaakbay: Stories of Lifetime Partnerships campaign na ini-launch ng Sun Life, mapapanood ang mga Kaakbay videos sa Sun Life’s YouTube channel, @SunLifePH, simula sa July 13.
Those who will watch the videos will get a chance to win a trip for two to Singapore by sharing their own stories of lifetime partnership on @SunLifePH on YouTube or Facebook. Consolation prizes will also be given away. The full mechanics are available on Facebook.





Comments